Eksotikong meson

Ang mga identidad at klasipikasyon ng mga posibleng tetraquark meson. Ang berde ay tumutukoy sa I = 0 mga estado, lila, I = 1/2 at pula I = 1. Ang bertikal na aksis ang masa.

Ang hindi-modelong quark na mga meson ay kinabibilangan ng:

  1. mga eksotikong meson(Ingles: exotic mesons) na may mga bilang na quantum na hindi posible para sa mga meson sa modelong quark;
  2. mga glueball o gluonium, na walang balensiyang(valence) mga quark;
  3. mga tetraquark na may dalawang balensiyang mga pares na quark-antiquark; at
  4. ma hybrid meson, na naglalaman ng isang balensiyang quark-antiquark na pares at isa o higit pang mga gluon.

Ang lahat ng mga ito ay maaaring uriin bilang mga meson dahil ang mga ito ay mga hadron at nagdadala ng bilang ng baryon. Sa mga ito, ang mga glueball ang dapat na mga lasang singlets na ang ibig sabihin ang mga ito ay may sero na isospin, pagiging kakaiba(strangeness), charm, pagiging ilalim at pagiging ibabaw. Tulad ng lahat ng mga partikulong estado, ang mga ito ay tinutukoy ng mga bilang na quantum na nagtatak ng mga representasyon ng symmetriyang Poincaré, q.e., JPC (kung saan ang J ang angular na momentum, ang P ang likas na paridad(intrinsic parity), at ang C ang kargang konhugasyong paridad) at ng masa. Tinutukoy rin ang isospin na I ng meson.

Sa karaniwan, ang bawat modelong quark na meson ay dumarating sa SU(3) lasang nonet: isang octet at isang lasang singlet. Ang isang glueball ay lumilitaw na bilang isang ekstrang(supernumeraryong) partikulo sa labas ng nonet. Sa kabila ng tila simpleng pagbibilang, ang pagtatakda ng anumang ibinigay na estado bilang isang glueball, tetraquark, o hybrid ay nanantiling tentatibo kahit sa kasalukuyan. Kahit may mga kasunduuan na ang isa sa mga ilang estado ang isa sa mga hindi-modelong quark na mga meson, ang digri ng paghahalo at ang tiyak na pagtatakda ay puno ng mga kawalang katiyakan. Mayroon ding labis na eksperimental na pagtatrabaho sa pagtatakda ng mga bilang na quantum sa bawat estado at paghahambing sa ibang mga eksperimento. Bilang resulta, ang lahat ng mga pagtatakda sa labas ng mga modelong quark ay tentatibo(pansamantala). Ang natitira sa artikulogn ito ay nagbabalangkas ng sitwasyon noong dulo nang 2004.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search